Talasanggunian

1989 : Taylor Swift. (n.d.). Retrieved May 20, 2016, from http://taylorswift.com/media/videos/63853 


Taylor Swift's Career Timeline | Billboard. (n.d.). Retrieved May 20, 2016, from http://www.billboard.com/photos/6221976/taylor-swift-career-timeline-photo-gallery/33 

Taylor Swift Named Most Charitable Celeb For Supporting Feminist Causes, Education, More.
(2014). The Huffington Post. Retrieved 20 May 2016, from http://www.huffingtonpost.com/2014/12/30/taylor-swift-charitable-celebrity_n_6391984.html

Taylor Swift on Tumblr. (n.d.). Retrieved May 20, 2016, from https://www.tumblr.com/tagged/taylor-swift 

"Taylor Swift". Biography.com. N.p., 2016. Web. 21 May 2016. Retrieved from http://www.biography.com/people/taylor-swift-369608#synopsis


Swift, Taylor and Taylor Swift. "Taylor Swift - Bio, Facts, Family | Famous Birthdays". Famous Birthdays. N.p., 1989. Web. 21 May 2016. Retrieved form https://www.youtube.com/watch?v=uuwfgXD8qV8



     




     Si Taylor Alison Swift ay ipinanganak noong Disyembre 13, 1989 sa Reading, Pennsylvania. Ang kanyang lola ay isang propesyonal na mang-aawit sa opera kaya si Taylor Swift ay sumunod sa kanyang mga yapak. Ang kanyang pamilya ay lumipat malapit sa Wyomissing kung saan siya ay nagsimula magsulat ng mga kanta sa edad na 5 taong gulang at noong 10 taong gulang ay umaawit na siya sa mga paligsahan ng kantahan. Nagsimula siyang matutong tumugtog ng gitara at magsulat ng mga sarili niyang kanta noong siya ay 12 taong gulang. Upang maipagpatuloy ang kanyang karera sa musika, siya ay laging bumibisita sa Nashville, Tennessee ang siyudad capitol ng musika. Doon sinubukan niyang sumulat ng mga kanta at sinubukan niya ring kumuha ng kontrata sa pagtatala ng musika. Sa kanyang dedikasyon sa kanyang karera sa musika, sila ng pamilya niya ay lumipat sa Hendersonville, Tennessee. Sa edad ng 18 taong gulang siya ay naging pinkabatang mang-aawit at manunulat ng mga kanta na naging sikat sa US. Ang kanyang unang album na pinangalanang Taylor swift ay nailabas noong Octubre 24, 2006. Siya ay nanalo ng maraming parangal sa Grammy. 

Links related to Taylor Swift

Ang Natutunan ko kay Taylor Swift


Ang mga natutunan ko kay Taylor Swift

Una kong nakilala si Taylor Swift noong ako ay 13 na taong gulang. Nakilala ko siya dahil sakanyang sumikat na kantang “Love Story” at simula noon ay hinangaan ko na siya. Si Taylor Swift ay isa sa mga paborito kong tao sa mundo at masasabi ko na isa siyang malaking impluwensya sa buhay ko. Bukod tangi siyang mang await dahil ang kanyang mga kanta ay hango sa totoong buhay at pag pina kinggan mo ito ay kahit papano ikaw ay makaka “relate” dito. Siya ay naka lima ng album at lahat ng kanta sa album na iyon ay kanyang sinulat, may kasama mang iba sa panunulat ngunit lahat ng lirikong kanyang sinulat ay nanggaling sakanyang puso. Isa siya sa mga sikat sa larangan ng pagkanta dahil sa kanyang mga awitin. Siya din ay na tanggap na ng iba’t ibang award sa parehong larangan dahil sa kanyan talento. Isa sa mga pangarap ko ay makitang magperform ng harapan si Taylor Swift at itong panaginip na ito ay nagging sa katotohanan noong Hulyo 4, 2014 noong pumunta siya ditto para sa kanyang “Red Tour”. Masasabi ko na yong araw nay un ay isa sa mga pinaka “memorable” na pangyayari sa aking buhay. Si Taylor Swift din ay pinangalan na bilang “Most Charitable Celebrity of 2015.” Siya ang may pinaka malaking na-donate nap era para sa mga charity. Siya din ay kilala bilang isang mapagbigay at mabait sa kanyang mga taga hanga. Siya ay nagiimbita ng mga humahanga sakanya sa mga concert niya na siya ay makilala ng hindi humihingi ng bayad. Lagi din siyang kumakausap sa kanyang mga taga hanga sa internet. Para saakin siya ang “role model” na dapat talagang tularan ng mga kabataan. Ipinahiwatig niya na din sa mundo na siya ay isang “Feminist”. Mula noon pa lamang, lagi nang kinakantyawan si Taylor Swift bilang isang babae na lagi na lamang nag papalit ng kasintahan. Yun ang laging tingin sakanya kaya ginamit niya ang internet para ipagtanggol ang sarili niya at ang mga kababaihan na sinasabihan din ng ganito. Tuwing nag coconcert din siya, meron isang parte sa show niya na siya ay magbibigay ng mensahe para sa mga kabataan na kababaihan na maging sarili lamang nila at wag intindihan kung ano ang tingin sa kanila ng mga tao. Gamit din ang kanyang mga kanta, ipinahiwatig niya din sa mga tao na dapat maging totoo sila sakanilang mga sarili kahit na sila ay hindi pinapaboran ng mga tao. Yan ang natutunan ko kay Taylor Swift. Dapat maging totoo ka sa iyong sarili at gawin mo kung ano ang gusto basta wala kang nasasaktan na tao. Maging masaya ka lamang kahit na a tingin ng iba ay walang kwenta ang iyong ginagawa basta masaya ka at alam mong para sa sarili mo yun at di sakanila. Merong sinabi si Taylor Swift na nagging “mantra” ko sa aking buhay. Ito ay “No matter what happens in life, be good to people. Being good to people is a wonderful legacy to leave behind.”. Simula nung nabasa ko to lagi ko na itong iniisip lalo kapag ako ay nasa hindi magandang lugar sa aking buhay. Si Taylor Swift ang aking idolo hindi lamang dahil sa kanyang mga kanta, dahil siya ay isang tao na dapat talaga tularan. Isa siya sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko at laking pasalamat ko na nakilala ko siya at siya ay nabuhay at ibinigay ng diyos sa ating mundo. 


-Fenella Corpus  


“Ang Natutunan Ko Kay Taylor Swift”

“If they don’t like you for being yourself, be yourself even more.” Ito ay isa sa mga sinabi ni Taylor Swift na aking nagustuhan. Hindi lamang ito para sa mga kababaihan kundi para sa lahat ng tao. Naniniwala ako na bilang isang maimpluwensyang personalidad, ay kailangan magkaroon ka ng mga salitang tiyak na pupukaw sa iyong mga taga hanga. Tulad nalamang ni Taylor Swift na ginagamit ang kanyang impluwensya upang bigyang ng karapatan at kapangarihan ang mga kababaihan na nawalan na ng boses sa ating lipunan. Naniniwala rin ako na ang ating mga iniidolo ay hindi lamang dapat maganda, magaling kumanta o sikat, panahon na rin siguro na isa alangalang natin ang kanyang pagkatao bilang isang tao, at higit sa lahat ang kanyang pagiging babae. Kaakibat na rin sa mundong ito, na kapag ikaw ay ipinanganak na babae, ay mayroon ng kapalaran na nakalaan sa iyo. Ito ay ang maging housewife o taga sunod sa mga kagustuhan ng mga kalalakihan.
Ang natutunan ko kay Taylor Swift ay ang maging matapang hindi lang dahil ikaw ay may kakayanan ngunit, kailangan mo rin maging matapang dahil ito ay nararapat para sa iyo. Dapat lang na ikaw ay malaya at nabubuhay na napoprotektahan at naisasagawa ang mga karapatan. Natutunan ko rin na ang pagiging babae ay isa sa pinaka magandang bagay dahil sa pagiging babae, mararanasan mong lumaban para sa iyong karapatan na sa aking palagay ay ang kailangan ng bawat isa sapagkat sa mundong ito, kung saan laganap na ang kung anu-anong kasamaan, ay ang kailangan mo ay maging matapang hindi lang para sa sarili mo ngunit para rin sa mga kapwa babae mong kasalukuyang nagdurusa sa pang mamaliit ng ng ating lipunan kung saan ang mga kalalakihan sa kanilang tingin ay ang “mas”.
    
-Steffi Suarez

Ang Natutunan ko kay Taylor Swift

Ang natutunan ko kay Taylor swift ay kahit na maraming tao ang humarang sa pagiging matagumpay mo sa buhay matuto kang bumangon at wag magpaapekto sa mga ito. Simula ng sinabi ni Taylor Swift na siya ay isang peminista marami ang bumatikos sa kanya, marami ang nagsasabi na ito ay isa lamang sa mga pakana ni Taylor Swift para siya ay lalong mapansin ng tao. Para kay Taylor Swift maraming tao ang haharang sayo sa pag abot mo ng pangarap mo, sinabi niya ito sa pagtanggap niya ng award sa grammys. Ang isa ko pang natutunan mula kay Taylor Swift ay ang pag intindi sa kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging peminista. Marami sa kabataan ay hindi naiintindihan ng mabuti ang salitang peminista, subalit simula ng ito ay mabigyan ng pansin at simula ng ito ay maipaintindi ng tama sa mga kabataan marami ang nalinawan at nabuksan ang isip sa salitang peminismo dahil naintindihan na nila ito nang lubusan. Ang tunay na ibig sabihin ng salitang peminismo ay hindi pagkagalit o pagkainis sa mga lalaki, kung hindi ay pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga babae at mga lalaki sa lahat ng aspeto sa buhay. Hindi ito tungkol sa pakikipag tapatan sa mga lalaki ng kung ano ang kaya nilang gawin ay dapat kaya din nating mga babae, kung hindi ay pagkapantaypantay ng mga karapatan natin bilang tao. At ang huli kong natutunan mula kay Taylor Swift ay kahit anong sabihin ng ibang tao sa kung ano dapat ang paniwalaan mo ay dapat sundin mo ang kung ano ang sa tingin mo ang tama. Hindi dapat magpaapekto sa iba dahil ikaw mismo ay kilala mo ang sarili mo sa kung ano ang dapat mong paniwalaan, sa kung ano ang dapat mong sabihin tungkol sa pagkakaintindi mo sa peminismo at sa kung ano ang dapat na iyong katayuan sa isyu ng peminismo.
    
- Jann Laine Asuncion 


Ang  Natutuhan ko kay Taylor Swift 

Si Taylor Swift  ay isa sa mga maswerteng babaeng aking nakikila at hinangahan , kagaya nga ng kasibihan na “mga babeng pinagpala sa lahat”. Isang babae na kagaya ng lahat ay puno ng pangarap sa buhay mula sa magiging simpleng teenager ay isa na ngayon sa pinka sikat na babaeng hinahangan na ng lahat. Aamin ko nung una ay hindi naman talaga ako" fan” ni Taylor swift nung una  gusto ko lamant ang mga kanata niya pero kinalaunan dahil sa magkahumaling ko sa mga kanata niya ay naging daan uto para siya ay aking idolihin at mahalin ko na . Maraming mga tao ang mga tao ang maya ayaw sa kaniya pero mas marami naman ang mga nagmamahal sa kaniya at isa na ako dun . Maraning akong mga bagay na natutunan sa kaniya isa narito ang sa pinakuna niyang kanata na gustuhan ko ang “ Mean “ Na sa buhay hindi mo naman talaga magagawang mahalin ka ng lahat ng mga tao, ang iba ay  huhusgahan at sasaktan ka pero sa kabila ng lahat ng to taandaan mo lang na kaya mo ang lahat at wag na wag ka mag papaapi sa kanila , massala man sila pero ikaw ay hindi at isa pa hindi tayo dapat na nagpapaapekto sa kanila buhay mo to at hanggat wala tinatapakang iba ay ituloy mo lang ang ginagawa mo . Just do your thing and be happy . Isa pa sa pinakamagandang bagay natutunan ko mula kay Taylor swift ay ang pagiging Mapagmahal .Marami sa kanayang relasyon ay hindi naging matagumpay pero kinalaunan ay nakita niya rin ang lalakeng nagpapasaya sa kaniya natutunan ko sa kanaya ang kahalagahan ng pagsugal sa lahat ng bagay spang makamit mo ang iyong inaasam na tagumpay at kaligayahan sa buhay . 


- Julia Alexis Morilla

2007

 2007 ay isa sa pinaka importanteng taon para kay Taylor Swift. Sa taong iito ay nanalo si siya sa “Nashville Songwriters Association Intternational” ng “The Songwriter” at “Artist of the Year Award”. Nanalo din siya sa CMA awards o “Country Music Awards” ng “The Horizon Award”. Sa taong din to ay kumanta siya sa iba’t ibang award shows sa America. Naglabas din siya sa taong ito ng isang collection ng mga kanta para sa pasko na tinawag na “Sounds of the Season: The Taylor Swift Holiday Collection”. Sa taong din to nakamtan ni Taylor Swift ang pinaka una niyang #1 na kanta. Ang kantang ito na nagbigay sa Kenya ng unang #1 ay ang “Our Song” na kanyang isinulat.

September 21, 2007
May isinagawang kampanya si Swift na mag poprotecta sa mga bata mula sa mga kiminal sa internet. Siya ay humingi ng tulong sa isang gobernador na si Governor Phil Bredesen. Ang kamapnyang ito na tumagal ng isang taon ay magbibigay ng mga impormasyon at mga gamit sa mga magulang ukol sa “internet sex crimes” upang magabayan nila ang kanlang mga anak. 

2016



Sa taong ito inannounce ni Taylor Swift ang kanyang pagpapahinga sa musika at ang pag totour. Ngunit kahit siya ay nasa bakasyon, nag labas paren siya ng dalawa pang kanta na “Out of the Woods” at “New Romantics” na ang pinakahuling kanta na kanyang ilalabas mula sa album niyang “1989”.


February 15, 2016
Nanalo si Taylor Swift ng tatlong ‘Grammy Awards sa araw na ito. Ang mga kanyang napanalunan ay ang “Best Video” para sa kanyang kanta na Bad Blood, “Best Pop Vocal Album” para sa kanyang album na “1989”, at ang “Almbum of the Year”. Siya ang unang babae sa kasaysayan ng ‘Grammy Awards” na nanalo ng award na ito ng dalawang beses. Meron ng total na 10 “Grammy Award” si taylor Swift.



May 10, 2016
 Si Taylor Swift ay nakatanggap ng award na ipinangalan sakanya na “Taylor Swift” award mula sa “Broadcast Music Inc. Pop Awards”. Tumanggap din siya ng award para sa kanyang mga kanta na “Blank Space” at “Bad Blood”. Siya din ay nanalo ng “Pop Singer of the Year”. Siya ang pangalawang tao na binigyan ng award sa BMI na nakapangalan sa sarili kasunod ni Michael Jackson.

June 19, 2006

Sa edad na 16, nirelease ni Taylor Swift ang pinaka una niyang kanta na “Tim McGraw” na kanyang sinulat kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Liz Rose. Ang music video ng kantang ito ay pinanood sa Youtube ng mahigit na 25million na beses. Natapos niyang isulat ang kantang ito ng 15 na minute habang naka upo sa kanyang piano set.















2015

Naglabas si Taylor Swift ng iba’t ibang kanta sa taon na ito mula sa kanyang album na “1989”. Ang mga kantang ito ay “Bad Blood”, sa video nito ay sinamahan si Taylor Swift ng kanyang malalapit na kaibigan at nanalo din ito ng “Best Video” sa “Grammy Awards”, Style, at Wildest Dreams. Nanalo din ng ib’t ibang awards si Taylor Swift sa taong 2015. Ang mga awards na natanggap niya ay sa “American Music Awards”, “Billboard Music Awards”, “iHeart Radio Awards” at iba pa. 




May 5, 2015
Sa araw na to nag umpisa ang pang apat na tour ni Taylor Swift. Itong tour na ito ay ay para ssa kanyang pang limang album na “1989”. Ang tour na ito ay may total na 85 shows, 7 sa Asya, 63 sa America, 7 sa Europa, at 8 sa Australia. Dito nagana pang pinaka malaking concert na Taylor Swift na may mahigit na 75,000 na tao ang nanood. Ito ang pinakamalaking kumita na tour sa taong 2015 dahil ito ay kumita ng mahigit na 250million na dolyar. 





August 13, 2012

Nilabas ni Taylor Swift sa araw na ito ang unang kanta para sa pang apat niyang album na “Red”. Ang kantang ito ay ang “We Are Never Ever Getting Back Together”. Ito ang pinakaunang kanta ni Taylor na nag debut sa “Billboard Hot 100”. Kinanta din niya ito sa opening ng “Grammy Awards .









October 22, 2012
 Sa araw na ito nilabas ni Taylor Swift ang pang apat niya na album na “Red”. Ito ay naka benta ng 1.21million na kopya sa unang lingo nito at nag debut din ito ng #1 sa “Billboard 200 Chart”. Ito ay tinawag na “second highest debut for a female artist”. Lahat ng kanta ditto ay sinulat mismo ni Taylor Swift. Nominado din itong album na ito para sa ‘Album of the Year” ng “Grammy Awards”.


March 13, 2013

Sa araw na ‘to nagsimula ang pangatlong tour ni Taylor Swift. Ang tour na ito ay para sa kanyang pang apat na album na “Red”. May total na 86 na show ang tour na ito, 66 sa America, 7 Oceania, 6 sa Europa, at 7 sa Asya. Isa sa mga concert ng tour na ito ay ginanap sa Manila noong Hunyo 6, 2014. Itong tour na ito ay tinawag na “highest grossing tour by a country artist in history” dahil ito ay kumita ng mahigit sa 150million na dolyar.



December 12, 2014
Tinanggap ni Taylor Swift ang “Woman of the Year” award mula sa “Billboard’s Women in Music”.

February 9, 2011

Sa araw na to nagumpisa ang pangalawang album tour ni Taylor Swift. Itong tour na ito ay para sa album niyang “Speak Now”. Meron itong total na 111 na shows sa buong mundo, 7 sa Asya, 12 sa Europa, 12 sa Australasia, at 80 sa America. Isa sa mga concert na ito ay ginannap dito sa Pilipinas nong Pebrero 19, 2011 sa Araneta Coliseum. 



2011
Sa taon na to inannounce na nakabenta na si Taylor Swift ng mahigit 5.5million na kopya ng kanyang pangatlong album na “Speak Now”. Sa taon din ito na nanalo si Taylor Swift ng “Atist of the Year” sa “American Music Awards

October 25, 2010

Ang pangatlong album ni Taylor Swift na “Speak Now” ay lumabas sa araw na ito. Ang album na ito ay nag debut ng #1 sa ‘Billboard Hot 200” at ito ay nagpatuloy na #1 ng 11 na sunod sunod na lingo. Ito ay tinawag na “bestselling album of 2009”. Ang buong almbum na ito na may 13 na kanta ay isinulat mismo ni Taylor Swift. Ang mga kanta na naging sikat mula sa album na ito ay “Mine”, ang pinaka unang kanta na inilabas mula sa album na ito, “Mean”, na nanalo sa “Grammy Awards” bilang “Best Country Song” at “Best Country Solo Performance”, at ang kantang “The Story of Us”. 

January 31, 2010



    Nanalo ng apat na Grammy Awards si Taylor Swift para sa kanyang album na “Fearless”. Ang mga award na ito ay “Almbum of the Year” at “Best Country Album” para sa “Fearless”. Ang dalawa pang award ay “Best Country Song” at “Best Female Country Vocal Performance” para sa kantang “White Horse”. Siya ang pinaka batang babae na nanalo ng “Album of the Year” na awardsa kasaysayan ng “Grammy Awards”. 

April 23, 2009

Dito sinimulan ni Taylor ang pinakauna niya tour na “Fearless Tour”. Ito ay sa North America. Siya ay pupunta sa 52 na syudad sa 38 na states. 


2009

Isang imporatnteng taon ito para sa buhay ni Taylor Swift. Sa taong ito pinakaunang kumanta si Taylor sa palaba na “Saturday Night Live”. Sa taong din ito lumabas ang bidyo para sa kant ni Taylor na “White Horse”. Dito din lumabas ang ticket sa concert niya sa Los Angeles para sa “Fearless” na album na naubos agad agad ng dalawang minute. Dito din siya pinakaunang kumanta sa “Grammy awards” kasama si Miley Cyrus. Kinanta nila ang kanta ni Taylor “Fifteen”. Naging cover din si Taylo Swift ng iba’t ibang magazine katulad ng Teen Vogue, Self Magazine, Allure, Glamour at Rolling Stone. Lumabas din siya sa pelikula na “Hannah Montana: The Movie” at ang 3D concert movie ng Jonas Brothers. Dito din sa taong ito nanalo si Taylor ng “Album of the Year” sa “Academy of Country Music Awards”.  Sa taong din ito nangyare ang pa gaga sa mic niya ni Kanye West habang siya ay tumatanggap ng award sa “MTV VMA” para sa “Video of the Year Award”. 


November 11, 2008

Sa araw na ito lumabas ang pangalawang album ni Taylor Swift na “Fearless”. Ang album na ito ay nag debut bilang #1 sa “Billboard 200” at may naibentang 592,304 na kopya sa pinakaunang lingo nito. Ito nagging kilala bilang “The best firs-week sales for a female artist in 2008”. Ito din ay nagging pinakaunang album na may naibenta 1million na kopya sa 2009. Itong album din iito ay ang pinakauna sa kasaysayan ng “country music” na nilabas ng babaeng mangaawit na nagging #1 sa mga charts ng mahigit na 7 na lingo. 

November 2008

Nag labas din si Taylor Swift ng pangalawang kanta sa kayang pinaka bagong album na “Fearless” na ang titulo ay “White Horse”. 




September 21, 2008





Nilabas ni Taylor Swift sa araw na ito ang isa sa pinaka sikat niyang kanta na “Love Story”. IIto ang pinaka una niyang kanta sa kanyang pangalawang album na “Fearless”.  Ito ang pangatlong #1 na kanta ni Taylor Swift. Ang kanta ito ay sinulat mismo niya at ito ang pinaka una niyang International na kanta. Ito din ay ang “most downloaded country song” sa kasaysayan.



2008


Sa taong ito, lumabas si Taylor Swift sa iba’t ibang magazine. Ang mga magazine na ito ay Billboard, Blender, Seventeen, Girl’s Life, CosmoGirl at Women’s Health. Siya ay pang 57 sa “Maxim’s sexiest women of 2008” mula saMaxim na magazine. Siya din ay binoto bilang “2008 Girl of the Year” ng CosmoGirl Magazine. Sa taong din ito ay nag donate siya ng kulay pink na Chevy Truck sa isang childrens charity na ‘Victory Junction Gang”.

Sa taong din ito ay may iba’t ibang kanta na nilabas si Taylor Swift mula sa pinaka una niyang album. Ito ay ang “Change”, “Should’ve Said No”, “Beautiful Eyes”. Sa taong din ito ginawa ni Taylor Swift ang 8 na oras na pag pirma ng autograph para sa kanyang mga taga suporta.

Sa taong din ito grumaduate si Taylor Swift ng High School bilang home-schooled.

October 24, 2006

Sa araw na ito, ang pinaka inning album ni Taylor Swift nan aka pangalan sa kanya ay nailabas na sa buong mundo. Lahat ng kanta sa album na ito ay sinulat at co-wrote ni Taylor Swift. Itong abum na ito ay naka benta ng 39,000 sa una nitong lingo. Sa taong 2008, mahigit 3.5millino na ang nabentang album at mahigit 7.5 million na bentang kanta mula sa album na ito. Ang album na ito ay may 11 na kanta, 5 dito ay sumikat at nagging kilala sa buong mundo. Ito ay ang mga kantang “Teardrops on My Guitar”, “Our Song”, “Picture to Burn”, “Should’ve Said No”, at ang kanyang unang kanta na “Tim McGraw”.

2004


Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Nashville, Tennessee para ipatuloy ang kanyang career sa larangan ng pagkanta at pagsusulat. Siya ang pinaka bata na nag trabaho bilang manunulat ng mga kanta sa Sony/ATV Music publishing house. Siya din ay kinuha ng isang independent na lebel na Big Machine Records na nagsilbing kanyang lebel hanggang ngayon.

December 13, 1989



Siya ay pinanganak sa araw na ito sa Reading, Pennsylvania sa mga magulang na si Andrea Swift, isang mambabahay, at Scott Swift, isang stock broker. Meron din siyang isang bunsong kapatid na si Austin Swift. Ang kanyang tirahan noong siya ay bata pa lamang ay isang Christmas Tree farm na pagmamayari na kanyang pamilya. Sa edad na 10, siya ay kumakanta na sa ibat-ibang selebrasyon sa kanyang tinitirhan at sinimulan niyang sumulat ng sarili niyang kanta sa edad na 12.







Bilang isang sikat na personalidad na sa larangan ng sining, si Taylor Swift ay mayroong malaking kontribusyon sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan. Pagdating sa kanyang larangan bilang isang manunulat at mangaawit, hindi biro ang magsulong ng karapatan ng kababaihan sa mundong ito kung saan ang mas nakikita ng mga tao ang kalalakihan at ang kanilang pagiging “mas” kaysa sa mga babae. Ngunit, ito ay hindi naging hadlang sakanya upang ipahayag ang kanyang lubos na kagustuhan ng pagkakapantay-pantay. Pagsubok ang kanyang kinaharap sa maraming paraan tulad nalamang ng “pangbaba-bash” ngunit, hindi ito ang naging dahilan upang siya ay manahimik nalamang. 

Isa rin sa masasabing pinaka malaking kontribusyon ni Taylor Swift sa bansa at sa buong mundo ay ang suporta at kaalaman. Hayagan niyang sinuportahan ang bawat kababaihan sa  pagsulong ng kanilang mga karapatan bilang babae. Ito ay makikita sa kanyang mga concert. Kaalaman. Mababasa sa ilan sa mga taga suporta ni Taylor Swift na sila ay lubusang natuto at na tauhan mula sa kanilang pagiging tao-tauhan sa mundong ito kung saan ang mga kalalakihan ang nangunguna at pilit na ipinakikita sa mga kababaihan na sila ang mas may karapatan sa mundong ito. Tulad nga ng sinabi ni Taylor Swift “In order for us to have gender equality, we have to stop making it a girl fight, and we have to stop being so interested in seeing girls try and tear each ohter down. It has to be more about cheering each other on as women.” Ang mas kailangan ngayon ng mga kababaihan ay ang suporta mula sa isa’t isa dahil hindi natin kayang pabagsakin ang mababang tingin sa atin ng lipunan kung tayo mismo sa ating mga sarili ay naghihilahan pababa.


Si Taylor Swift ay isang mabuting halimbawa hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga magulang. Ginagamit niya ang kanyang impluwensya sa mabuti at kapaki pakinabang na pamamaraan. 

Taylor Alison Swift

Si Taylor Swift ay kilala sa pagiging mang-aawit at manunulat ng kanta. Siya ay nanalo ng sampung “Grammy Awards” at siya lang ang babae sa kasaysayan na nanalo ng “Album of the Year Award” dito. Siya ay isang “country-pop” na mangaawit. Meron din siyang mahigpat pang 300 na ibat-ibang natanggap na awards sa kanyang talambuhay. Ang kanyang mga kanta ay kilala bilang personal at ang mga lyrics nito ay tungkol sa pagmamahal. Simula pagkabata, gusto na ni Taylor na maging mang-aawit. Gamit ang determinasyon at pagiging talento, ginawa niyang realidad ang kanyan panaginip. Ang kanyang mga kanta ay kilala bilang kanyang personal na diary na ibinabahagi niya sa buong mundo lalo na sa mga taong sumusoporta sakaniya.
Powered by Blogger.