Ang Natutunan ko kay Taylor Swift


Ang mga natutunan ko kay Taylor Swift

Una kong nakilala si Taylor Swift noong ako ay 13 na taong gulang. Nakilala ko siya dahil sakanyang sumikat na kantang “Love Story” at simula noon ay hinangaan ko na siya. Si Taylor Swift ay isa sa mga paborito kong tao sa mundo at masasabi ko na isa siyang malaking impluwensya sa buhay ko. Bukod tangi siyang mang await dahil ang kanyang mga kanta ay hango sa totoong buhay at pag pina kinggan mo ito ay kahit papano ikaw ay makaka “relate” dito. Siya ay naka lima ng album at lahat ng kanta sa album na iyon ay kanyang sinulat, may kasama mang iba sa panunulat ngunit lahat ng lirikong kanyang sinulat ay nanggaling sakanyang puso. Isa siya sa mga sikat sa larangan ng pagkanta dahil sa kanyang mga awitin. Siya din ay na tanggap na ng iba’t ibang award sa parehong larangan dahil sa kanyan talento. Isa sa mga pangarap ko ay makitang magperform ng harapan si Taylor Swift at itong panaginip na ito ay nagging sa katotohanan noong Hulyo 4, 2014 noong pumunta siya ditto para sa kanyang “Red Tour”. Masasabi ko na yong araw nay un ay isa sa mga pinaka “memorable” na pangyayari sa aking buhay. Si Taylor Swift din ay pinangalan na bilang “Most Charitable Celebrity of 2015.” Siya ang may pinaka malaking na-donate nap era para sa mga charity. Siya din ay kilala bilang isang mapagbigay at mabait sa kanyang mga taga hanga. Siya ay nagiimbita ng mga humahanga sakanya sa mga concert niya na siya ay makilala ng hindi humihingi ng bayad. Lagi din siyang kumakausap sa kanyang mga taga hanga sa internet. Para saakin siya ang “role model” na dapat talagang tularan ng mga kabataan. Ipinahiwatig niya na din sa mundo na siya ay isang “Feminist”. Mula noon pa lamang, lagi nang kinakantyawan si Taylor Swift bilang isang babae na lagi na lamang nag papalit ng kasintahan. Yun ang laging tingin sakanya kaya ginamit niya ang internet para ipagtanggol ang sarili niya at ang mga kababaihan na sinasabihan din ng ganito. Tuwing nag coconcert din siya, meron isang parte sa show niya na siya ay magbibigay ng mensahe para sa mga kabataan na kababaihan na maging sarili lamang nila at wag intindihan kung ano ang tingin sa kanila ng mga tao. Gamit din ang kanyang mga kanta, ipinahiwatig niya din sa mga tao na dapat maging totoo sila sakanilang mga sarili kahit na sila ay hindi pinapaboran ng mga tao. Yan ang natutunan ko kay Taylor Swift. Dapat maging totoo ka sa iyong sarili at gawin mo kung ano ang gusto basta wala kang nasasaktan na tao. Maging masaya ka lamang kahit na a tingin ng iba ay walang kwenta ang iyong ginagawa basta masaya ka at alam mong para sa sarili mo yun at di sakanila. Merong sinabi si Taylor Swift na nagging “mantra” ko sa aking buhay. Ito ay “No matter what happens in life, be good to people. Being good to people is a wonderful legacy to leave behind.”. Simula nung nabasa ko to lagi ko na itong iniisip lalo kapag ako ay nasa hindi magandang lugar sa aking buhay. Si Taylor Swift ang aking idolo hindi lamang dahil sa kanyang mga kanta, dahil siya ay isang tao na dapat talaga tularan. Isa siya sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko at laking pasalamat ko na nakilala ko siya at siya ay nabuhay at ibinigay ng diyos sa ating mundo. 


-Fenella Corpus  


“Ang Natutunan Ko Kay Taylor Swift”

“If they don’t like you for being yourself, be yourself even more.” Ito ay isa sa mga sinabi ni Taylor Swift na aking nagustuhan. Hindi lamang ito para sa mga kababaihan kundi para sa lahat ng tao. Naniniwala ako na bilang isang maimpluwensyang personalidad, ay kailangan magkaroon ka ng mga salitang tiyak na pupukaw sa iyong mga taga hanga. Tulad nalamang ni Taylor Swift na ginagamit ang kanyang impluwensya upang bigyang ng karapatan at kapangarihan ang mga kababaihan na nawalan na ng boses sa ating lipunan. Naniniwala rin ako na ang ating mga iniidolo ay hindi lamang dapat maganda, magaling kumanta o sikat, panahon na rin siguro na isa alangalang natin ang kanyang pagkatao bilang isang tao, at higit sa lahat ang kanyang pagiging babae. Kaakibat na rin sa mundong ito, na kapag ikaw ay ipinanganak na babae, ay mayroon ng kapalaran na nakalaan sa iyo. Ito ay ang maging housewife o taga sunod sa mga kagustuhan ng mga kalalakihan.
Ang natutunan ko kay Taylor Swift ay ang maging matapang hindi lang dahil ikaw ay may kakayanan ngunit, kailangan mo rin maging matapang dahil ito ay nararapat para sa iyo. Dapat lang na ikaw ay malaya at nabubuhay na napoprotektahan at naisasagawa ang mga karapatan. Natutunan ko rin na ang pagiging babae ay isa sa pinaka magandang bagay dahil sa pagiging babae, mararanasan mong lumaban para sa iyong karapatan na sa aking palagay ay ang kailangan ng bawat isa sapagkat sa mundong ito, kung saan laganap na ang kung anu-anong kasamaan, ay ang kailangan mo ay maging matapang hindi lang para sa sarili mo ngunit para rin sa mga kapwa babae mong kasalukuyang nagdurusa sa pang mamaliit ng ng ating lipunan kung saan ang mga kalalakihan sa kanilang tingin ay ang “mas”.
    
-Steffi Suarez

Ang Natutunan ko kay Taylor Swift

Ang natutunan ko kay Taylor swift ay kahit na maraming tao ang humarang sa pagiging matagumpay mo sa buhay matuto kang bumangon at wag magpaapekto sa mga ito. Simula ng sinabi ni Taylor Swift na siya ay isang peminista marami ang bumatikos sa kanya, marami ang nagsasabi na ito ay isa lamang sa mga pakana ni Taylor Swift para siya ay lalong mapansin ng tao. Para kay Taylor Swift maraming tao ang haharang sayo sa pag abot mo ng pangarap mo, sinabi niya ito sa pagtanggap niya ng award sa grammys. Ang isa ko pang natutunan mula kay Taylor Swift ay ang pag intindi sa kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging peminista. Marami sa kabataan ay hindi naiintindihan ng mabuti ang salitang peminista, subalit simula ng ito ay mabigyan ng pansin at simula ng ito ay maipaintindi ng tama sa mga kabataan marami ang nalinawan at nabuksan ang isip sa salitang peminismo dahil naintindihan na nila ito nang lubusan. Ang tunay na ibig sabihin ng salitang peminismo ay hindi pagkagalit o pagkainis sa mga lalaki, kung hindi ay pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga babae at mga lalaki sa lahat ng aspeto sa buhay. Hindi ito tungkol sa pakikipag tapatan sa mga lalaki ng kung ano ang kaya nilang gawin ay dapat kaya din nating mga babae, kung hindi ay pagkapantaypantay ng mga karapatan natin bilang tao. At ang huli kong natutunan mula kay Taylor Swift ay kahit anong sabihin ng ibang tao sa kung ano dapat ang paniwalaan mo ay dapat sundin mo ang kung ano ang sa tingin mo ang tama. Hindi dapat magpaapekto sa iba dahil ikaw mismo ay kilala mo ang sarili mo sa kung ano ang dapat mong paniwalaan, sa kung ano ang dapat mong sabihin tungkol sa pagkakaintindi mo sa peminismo at sa kung ano ang dapat na iyong katayuan sa isyu ng peminismo.
    
- Jann Laine Asuncion 


Ang  Natutuhan ko kay Taylor Swift 

Si Taylor Swift  ay isa sa mga maswerteng babaeng aking nakikila at hinangahan , kagaya nga ng kasibihan na “mga babeng pinagpala sa lahat”. Isang babae na kagaya ng lahat ay puno ng pangarap sa buhay mula sa magiging simpleng teenager ay isa na ngayon sa pinka sikat na babaeng hinahangan na ng lahat. Aamin ko nung una ay hindi naman talaga ako" fan” ni Taylor swift nung una  gusto ko lamant ang mga kanata niya pero kinalaunan dahil sa magkahumaling ko sa mga kanata niya ay naging daan uto para siya ay aking idolihin at mahalin ko na . Maraming mga tao ang mga tao ang maya ayaw sa kaniya pero mas marami naman ang mga nagmamahal sa kaniya at isa na ako dun . Maraning akong mga bagay na natutunan sa kaniya isa narito ang sa pinakuna niyang kanata na gustuhan ko ang “ Mean “ Na sa buhay hindi mo naman talaga magagawang mahalin ka ng lahat ng mga tao, ang iba ay  huhusgahan at sasaktan ka pero sa kabila ng lahat ng to taandaan mo lang na kaya mo ang lahat at wag na wag ka mag papaapi sa kanila , massala man sila pero ikaw ay hindi at isa pa hindi tayo dapat na nagpapaapekto sa kanila buhay mo to at hanggat wala tinatapakang iba ay ituloy mo lang ang ginagawa mo . Just do your thing and be happy . Isa pa sa pinakamagandang bagay natutunan ko mula kay Taylor swift ay ang pagiging Mapagmahal .Marami sa kanayang relasyon ay hindi naging matagumpay pero kinalaunan ay nakita niya rin ang lalakeng nagpapasaya sa kaniya natutunan ko sa kanaya ang kahalagahan ng pagsugal sa lahat ng bagay spang makamit mo ang iyong inaasam na tagumpay at kaligayahan sa buhay . 


- Julia Alexis Morilla

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.