Bilang isang sikat na personalidad na sa larangan ng sining, si Taylor Swift ay mayroong malaking kontribusyon sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan. Pagdating sa kanyang larangan bilang isang manunulat at mangaawit, hindi biro ang magsulong ng karapatan ng kababaihan sa mundong ito kung saan ang mas nakikita ng mga tao ang kalalakihan at ang kanilang pagiging “mas” kaysa sa mga babae. Ngunit, ito ay hindi naging hadlang sakanya upang ipahayag ang kanyang lubos na kagustuhan ng pagkakapantay-pantay. Pagsubok ang kanyang kinaharap sa maraming paraan tulad nalamang ng “pangbaba-bash” ngunit, hindi ito ang naging dahilan upang siya ay manahimik nalamang. 

Isa rin sa masasabing pinaka malaking kontribusyon ni Taylor Swift sa bansa at sa buong mundo ay ang suporta at kaalaman. Hayagan niyang sinuportahan ang bawat kababaihan sa  pagsulong ng kanilang mga karapatan bilang babae. Ito ay makikita sa kanyang mga concert. Kaalaman. Mababasa sa ilan sa mga taga suporta ni Taylor Swift na sila ay lubusang natuto at na tauhan mula sa kanilang pagiging tao-tauhan sa mundong ito kung saan ang mga kalalakihan ang nangunguna at pilit na ipinakikita sa mga kababaihan na sila ang mas may karapatan sa mundong ito. Tulad nga ng sinabi ni Taylor Swift “In order for us to have gender equality, we have to stop making it a girl fight, and we have to stop being so interested in seeing girls try and tear each ohter down. It has to be more about cheering each other on as women.” Ang mas kailangan ngayon ng mga kababaihan ay ang suporta mula sa isa’t isa dahil hindi natin kayang pabagsakin ang mababang tingin sa atin ng lipunan kung tayo mismo sa ating mga sarili ay naghihilahan pababa.


Si Taylor Swift ay isang mabuting halimbawa hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga magulang. Ginagamit niya ang kanyang impluwensya sa mabuti at kapaki pakinabang na pamamaraan. 

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.