Si Taylor Alison Swift ay ipinanganak noong Disyembre 13, 1989 sa Reading, Pennsylvania. Ang kanyang lola ay isang propesyonal na mang-aawit sa opera kaya si Taylor Swift ay sumunod sa kanyang mga yapak. Ang kanyang pamilya ay lumipat malapit sa Wyomissing kung saan siya ay nagsimula magsulat ng mga kanta sa edad na 5 taong gulang at noong 10 taong gulang ay umaawit na siya sa mga paligsahan ng kantahan. Nagsimula siyang matutong tumugtog ng gitara at magsulat ng mga sarili niyang kanta noong siya ay 12 taong gulang. Upang maipagpatuloy ang kanyang karera sa musika, siya ay laging bumibisita sa Nashville, Tennessee ang siyudad capitol ng musika. Doon sinubukan niyang sumulat ng mga kanta at sinubukan niya ring kumuha ng kontrata sa pagtatala ng musika. Sa kanyang dedikasyon sa kanyang karera sa musika, sila ng pamilya niya ay lumipat sa Hendersonville, Tennessee. Sa edad ng 18 taong gulang siya ay naging pinkabatang mang-aawit at manunulat ng mga kanta na naging sikat sa US. Ang kanyang unang album na pinangalanang Taylor swift ay nailabas noong Octubre 24, 2006. Siya ay nanalo ng maraming parangal sa Grammy. 

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.